SALAMIN AT IBA PANG PANGLAW

 Salamin at Iba pang Panglaw

ni Almayrah Tiburon


Book Review ni Hanifah P. Barani

Ang aklat na pinamagathang “Salamin at Iba pang Panglaw” ay talaga namang napaka gandang aklat na kung saan sumasalamin sa kultura ng mga meranao. Ang aklat ay may tatlompu’t dalawang kwento na nagpapakita sa kaugalian, tradisyon at paniniwala ng mga meranao. Naka paloob din sa aklat na ito ang kwentong mga kababalaghan at nakakatakot na mga karanasan ng mga meranao. Sa totoo lang habang binabasa ko ito ay nakakapanindig balahibo.  Ang may akda ay gumamit ng wikang tagalog at gumamit mismo ng wikang meranao upang maslalong maipahayag ang kwento na hango sa _totoong pangyayari. Ginamit niya ang wikang meranao sa tuwing magsasalita ang mga tauhan para mas lalong maramdaman ng mga mambabasa ang kwento.

Makikita sa aklat na ito ang kultura ng mga meranao tungkol sa  pag-iibigan na nauuwi sa kasalan. Kilala ang mga meranaw sa fix marriage at parental marriage na kung saan nagkakasundo ang dalawang pamilya upang mapakasal ang kanilang mga anak. Ito ay para maka iwas sa fitna dahil matinding ipinag babawal sa Islam ang pagkakaroon ng kasintahan. Sa kultura ng mga meranao, isang pagkakasala ang magkaroon ng kasintahan kaya ang mga magulang ang nag dedesisyon kung saan at sino ang papakasalan ng kanilang mga anak. Isa rin sa kultura ng mga meranao ang talak o perma. Nangyayari ito dalawang mag-asawa upang mapa walang bisa ang kanilang kasal. Hindi rin mawawala ang isa sa mga kaugalian ng mga meranao ang “maratabat”. Ito ang isa sa pinagsisimulan ng away, gulo, o rido ng  magkabilang panig. Kilala ang mga meranao na maraming kaaway at rido kaya minsan ang pamilyang may ganitong sitwayon, ang mga kalalakihan ay pinagbabawalan makalabas ng bahay. Isa rin sa nabanggit sa aklat na ito ang kata’o . Ito ay nangyayari kung may isang taong may galit sayo kaya gusto kang sirain at guluhin ang iyong buhay. Mababasa rin sa aklat na ito ang kobor at salamin. Ang kwentong kobor ay siyang paniniwala ng mga meranaw pag ika’y sumakabilang buhay. Ito ay naka saad sa mga Islamic book  na aming pinag aaralan sa madrasah. Kaya itinuro sa amin pagdasal ng limang besis sa isang araw para maka iwas sa sitwasyung naranasan sa isa sa mga tauhan sa aklat ng paksang kobor. At ang kwentong salamin, isa rin sa aming napag aralan sa madrasah na itinuro sa amin ng aming mga Ustadh. Ito ang isa sa aming paniniwala. Kapag ang isang taong sumakabilang buhay na nagkasala, mararanasan niya ang bagsik at pagdurosa sa naraka.

 

Ang lipunang ginagalawan ng mga tauhan ay ang sariling lipunan na ginagalawan ng mga meranaw. Ang may akda ay gumamit mismo ng wikang meranao at lugar na kungsaan mismo naninirahan ang mga merano. Naka paloob sa aklat na ito ang iba’t ibang kwento na sumasalamin sa kultura ng mga meranao ayon sa kanilang kaugalian, tradisyon at paniniwala. Isinulat ito ng may akda hango sa totoong pangyayari at sitwasyon na ginagalawan ngayon ng mga meranao. Mababasa sa kwento ang mga hindi kapanipaniwalang pangyayari tulad ng kobor, salamin at iba pa. Paraan lang ito ng may akda upang ipakita at sumalamin ang kulturang meron at ginagalawan ngayon ng mga meranaw.

Comments

Popular posts from this blog

Pagsulat ng Liham

Pagsulat ng Liham